Parangal sa mga natatanging kababaihan



Noong ika-24 ng Agosto, nagbigay ng parangal ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) at ang Philippine Commission on Women sa mga kababaihang malaki ang naiambag sa lipunan.

Tinaguriang 2012 Gawad Parangal sa Natatanging Kababaihan, ang mga tumanggap ng parangal ay sina Fe Hidalgo para sa Edukasyon, Liza Masa para sa Karapatan ng Kababaihan, Jessica Sojo para sa Media, Leila De Lima for sa Hustisya, Leticia Ramos-Shahani para sa Pagsasabatas, Bellaflor Angara-Castillo para sa Mabuting Pamamahala, Josette T. Biyo para sa Agham at Teknolohiya, Cynthia Villar para sa Negosyo, Vilma Santos-Recto Lokal na Pamamahala, Blesilda Dela Rosa para sa Medisina, Cecile Guidote-Alvarez para sa Sining at Kultura, Anita Linda para sa Pelikula at Helena Z. Benitez para sa Sosyo-Sibiko.

Para sa Gawad Sagisag Quezon, pinarangalan ng KWF ang tatlong kababaihan na sina Dr. Edinelda “Dr. E” O. Calvario para sa Alternatibong Medisina, Celia Diaz-Laurel para sa Sosyo-Sibiko, Erlinda B. San Juan bilang Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino sa Palawan at Consuelo Valerio bilang Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino sa Tarlac.Bahagi ng parangal ang pag-awit ng mga kilalang alagad ng sining na sina Anthony Castelo at Cocoy Laurel.